Pista ng Sto. Niño, tagumpay at payapa — Yorme Isko

Share this information:

Matagumpay at naging payapa ang pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Nino de Tondo  at Pandacan kahapon.

Ito ay dahil na rin sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod ng Maynila na maging maayos at matiyak na masunod ang mga ipinatutupad ng pamahalaan na health protocol laban sa COVID-19.

Kasama na din dito ang tulong ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) na walang humpay sa pagpapaalala sa mga indibidwal  na sumunod sa ipinag-uutos, hindi lamang ng Department of Health (DOH) kundi maging local na pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Pinasalamatan naman ng alkalde ang publiko, partikular ang mga deboto dahil sa pagpapairal nila ng kanilang disiplina  sa gitna ng pandemyang kinakaharap ngayon sa  Maynila at sa buong bansa..

Pinasalamatan din ni Domagoso ang buong puwersa ng MPD  sa pamumuno ni District Director P/Brig. Gen. Leo Francisco dahil sa puspusan nilang paghahanda  sa pagdiriwang ng mga Kapistahan.

Tulad sa Traslacion, lalong pinaigting ng MPD ang  “police visibility” sa mga lugar na sakop ng pagdiriwang ng Kapistahan ng Sto. Niño partikular na sa Tondo at Pandacan.

Mahigpit na ipinatupad ang mga umiiral na batas at kautusan ng alkalde tulad ng pagsusuot ng face mask, liquor ban, at pagsunod sa health protocols tulad ng physical distancing.

 Ipinatupad din ng MPD ang “zero vendor” at “zero obstruction” sa paligid ng simbahan sa Tondo at Pandacan kaya’t naging maayos, maaliwalas at maluwag ito para sa mga deboto na nagsimba at nakiisa sa Pista ng Sto. Niño.

Batay naman sa datos ng MPD, umabot lamang sa kabuuang bilang na 26 ang lumabag sa ipinapatupad na liquor ban sa Tondo at Pandacan nitong nagdaang kapistahan. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Eight other passengers in Emirates flight tested positive for COVID-19

Mon Jan 18 , 2021
Eight other passengers of Emirates Flight EK 332 that carried the first Filipino who was found with the COVID-19 UK variant, also tested positive for COVID-19. It was not known whether the eight was also found with the UK variant of the virus. Samples taken from the eight passengers were […]

Follow Us

%d bloggers like this: