Breaking News

Share this information:

Bahala na umano ang mga alagad ng simbahan  kung tatanggapin ang alok na bakuna laban sa COVID-19 o hindi.

Ito ang sinabi ni Archdiocese of Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo dahil sila naman umano ang magdedesisyon.

Ngunit naniniwala si Pabillo na dapat ibigay na lamang ito sa sinasabing mas prayoridad tulad ng mga frontliner at mga nasa “vulnerable population.”

Nagpapasalamat ang mga kaparian sa alok na bakuna  ngunit mas magigng masaya aniya sila kung ibibigay na lamang ito sa mas mahihirap  na hindi kayang magbayad.

Kabilang sa priority list ng gobyerno ang mga mahihirap na populasyon sa unang bibigyan ng bakuna laban sa COVID-19, bukod pa sa mga frontline heath worker, senior citzen, at uniformed personnel.

(Photo credit: rcam.org)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: