Pilot vaccination implementation sa 12-17 years old, umarangkada na

Share this information:

UMARANGKADA na ang pilot implementation ng pagbabakuna sa mga batang may comorbidities sa bansa.

Sa ginanap na ceremonial vaccination sa National Children’s Hospital, pinangunahan ito nina vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. at Department of Health (DOH) Sec. Francisco Duque III.

NTF Chief Implementer and vaccine czar Sec. Carlito Galvez, Jr.

Kasama sa babakunahan sa pediatric groups o nasa edad 12-17 taong gulang ay ang mga may comorbidities.

Isasagawa ang pilot vaccination sa pediatric groups sa piling mga ospital kabilang ang mga sumusunod:

  • National Children’s Hospital
  • Philippine Heart Center
  • Pasay City Children’s Hospital
  • Fe Del Mundo Medical Center
  • Philippine General Hospital
  • Makati Medical Center
  • St. Luke’s Medical Center
  • Philippine Children’s Medical Center

Sa ngayon, ang mga brand ng bakuna na Moderna at Pfizer pa lamang ang pinahihintulutan na iturok sa mga bata dahil ang mga COVID-19 vaccine na ito pa lamang ang may Emergency Use Authorization (EUA) mula sa Food and Drug Administration.

DOH Sec. Francisco Duque III

Tiniyak naman ng DOH na nakahanda ang kanilang vaccination team sakaling magkaroon ng side effects ang mga batang babakunahan.

Ang pilot vaccination sa pediatric groups ay Phase 1 at isang linggong oobserbahan.

Ang  Phase 2 ay gagawin sa Oktubre 22 kung saan sa 17 piling ospital sa National Capital Region isasagawa ang pagbabakuna sa mga menor de edad o isang ospital sa bawat lungsod.

Sa mga rehiyon naman ay papayagan din ang pagbabakuna sa mga menor de edad na may comorbidity kapag 50 percent na ang mga nabakunahan nang mga senior citizen.

Sa ngayon ay wala pang datos ang DOH kung ilan na sa mga 12-17 years old na may commorbidities ang nabakunahan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Anim na pulis Maynila, dinisarmahan dahil sa "kotong"

Fri Oct 15 , 2021
DINISARMAHAN ang anim na miyembro ng Manila Police District (MPD) dahil sa umano’y pangongotong sa isang miyembro ng Sangguniang Kabataan at kasamahan nito na nahuli sa paglabag sa curfew at nakuhanan pa ng ilegal na droga. Nakatakdang i-inquest ngayon sa Manila Prosecutors Office sina Patrolman Kenneth Cordova, PCpl. Johndee Toledo, Patrolman Danny […]
%d bloggers like this: