Mga health workers, tutol na ibaba sa Alert Level 3 status ang NCR

TUTOL ang  grupo ng mga health workers sa desisyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) na ibaba sa Alert Level 3 status ang Metro Manila. 

Ayon kay Robert Mendoza, Presidente ng Alliance of Health Workers, dapat pinalawig pa hanggang katapusan ng Oktubre ang Alert Level 4 status upang makapagpahinga ang mga health workers.

Dapat na paluwagin muna ang mga ICU beds bago ibinaba sa level 3 ang Metro Manila, dagdag pa nito. 

Samantala, umapela rin ang grupo sa pamahalaan na gawing prayoridad ang pagbibigay ng booster shots sa mga health workers. 

Ayon pa kay Mendoza, kung maaari sana ay huwag Sinovac at ibang brand naman ang ibigay sa mga health workers. 

Ang Metro Manila ay ibinaba sa Alert Level 3 status simula Oktubre 16-31. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.