PGH, hindi muna tatanggap ng non-COVID patient

Share this information:

IPINAHAYAG ng Philippine General Hospital (PGH) na hindi muna ito tatanggap ng  non-COVID 19 na mga pasyente.

Sa isang anunsiyo ng PGH, nananatili ang ospital na COVID-19 Referral Center at dahil sa dumaraming bilang ng mga pasyente ng COVID-19 kaya kinakailangang magbukas ng karagdagang lugar para sa mga ito.

Subalit upang mapagtuunang mabuti ang pag-aalaga sa mga pasyente ng COVID-19 , ang PGH ay pansamantalang hindi na muna tatanggap ng mga pasyenteng may ibang medikal na karamdaman na wala namang COVID.

Humihingi naman ng pang-unawa at paumanhin ang pamunuan ng ospital upang matugunan ang pangangailangan ng dumaraming bilang ng mga kababayang may COVID.

“Aagaran po namin kayong aabisuhan sa oras na lumipas ang bugso ng bilang ng mga kaso ng COVID upang kayo ay muling mapaglingkuran,” ayon sa anunsiyo ng PGH.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.