Petisyon, pinapa-diskwalipika ang kandidatura ni dating Sen. Marcos bilang pangulo

Share this information:

ISANG petisyon  ang inihain sa tanggapan ng Commission on Elections (Comele) na humihiling na idiskwalipika si  dating Sen. Bongbong Marcos bilang kandidato sa pagka Pangulo sa 2022 national elections. 

Sa petisyon na inihain ng grupo ni Fr. Christian Buenafe, nais nilang kanselahin ng Comelec ang Certificate of Candidacy (COC) ni Marcos dahil sa umano’y “material misrepresentation.” 

Nakasaad sa petisyon na nagsinungaling si Marcos sa kanyang COC at maituturing na material misrepresentation ang hindi niya pagdedeklara na siya ay “convicted of a crime involving moral turpitude.”

Nabatid na nahatulan sa tax evasion cases si Marcos na may accessory penalty na “perpetual disqualification from holding public office.”

Isa sa mga kwapilikasyon ng isang kandidato ay hindi ito dapat nahatulan ng mga “crimes involving moral turpitude “

Una nang sinabi ni 1Sambayan lead convenor na si Ret. Justice Antonio Carpio na sakaling magdesisyon ang Comelec en banc na “crime involving moral turpitude” ang conviction ni Marcos sa kaso niya ng tax evasion ay isa itong ground upang madiskwalipika and dating senador sa pagtakbo bilang pangulo.

Paliwanag pa ni Carpio, kung isang beses lang na convict sa tax evasion case ay maaari pang palampasin, subalit sa kaso ni Marcos, dahil nahatulan na ito ng apat na beses sa tax evasion case ay maliwanag na intensyonal na ito at pasok na bilang “crime involving moral turpitude.” 

Sa 57-pahinang petisyon sa Comelec, kinukwestiyon ng mga kinatawan mula sa Task Force Detainees of PH, KAPATID, Medical Action Group, FIND, PH Alliance of Human Rights Advocates at Balay ang eligibility ni Marcos na tumakbo  a nasabing posisyon dahil siya ay convicted sa tax evasion.

Ayon pa sa mga petitioner, si Marcos “falsely declared under oath that he is eligible for the office he seeks to be elected to” at “falsely declared under oath” na hindi siya napatunayang mananagot para sa isang pagkakasala na may parusang panghabang-buhay na diskwalipikasyon para maupo sa public office.

Pinagtibay ng Court of Appeals (CA) ang paghatol kay Marcos noong 1997 ngunit nagpataw lamang ng multa.

Ang desisyon ng korte ay inapela ng kampo ni Marcos sa Korte Suprema ngunit binawi niya ito noong 2001.

Sinabi rin ng mga petitioner na hindi wasto para sa CA na magpataw lamang ng multa dahil malinaw na ipinapataw ng Tax Code ang parehong mga multa at oras ng pagkakakulong.

(May kasamang ulat ni Joyce Fernan)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Maynila, magdadagdag ng vaccination sites para sa pediatric group

Wed Nov 3 , 2021
NAGBABALAK ang pamahalaang lungsod ng Maynila na dagdagan pa ang vaccination sites sa lungsod para sa pediatric group. Smula sa Biyernes ay magkakaroon na rin ng pagbabakuna sa mga mall at iba pang mga lugar kung saan magiging mas malawak at magiging komportable ang pagbabakuna sa mga kabataan. Kasama na […]
%d bloggers like this: