Maynila, magdadagdag ng vaccination sites para sa pediatric group

NAGBABALAK ang pamahalaang lungsod ng Maynila na dagdagan pa ang vaccination sites sa lungsod para sa pediatric group.

Smula sa Biyernes ay magkakaroon na rin ng pagbabakuna sa mga mall at iba pang mga lugar kung saan magiging mas malawak at magiging komportable ang pagbabakuna sa mga kabataan.

Kasama na rin dito ang iba pang indibidwal na kabilang sa A1 hanggang A5 category.

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Francisco Domagoso sa pagbisita nito sa roll out ng pagbabakuna sa mga kabataang edad 12-17 sa Sta. Ana Hospital.

Binigyan diin din nito na pagkakataon na rin ito upang unti-unting umangat ang mga negosyo sa mga mall kung saan maaaring mamili, kumain o mamasyal habang hinihintay ng kaanak ang isa nilang miyembro na binakunahan.

Dagdag pa nito, handa na rin silang bakunahan ang ibang kabataan na hindi residente sa lungsod pero kinakailangan lamang nilang magpa-rehistro sa Manila Covax.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.