Mga dentista, pwede nang magbakuna — DOH

Share this information:

SINABI ng Department of Health (DOH) ay puwede nang magbakuna laban sa COVID-19 ang mga dentista.

Ito ang pahayag ni DOH Usec. Myrna Cabotaje sa isang virtual briefing na ginanap kanina.

Ayon sa kanya, naglabas na ang National COVID-19 Vaccination Operations Center (NVOC) ng abiso base na rin sa naging ugnayan ng Professional Regulatory Commission (PRC) at Board of Dentistry at awtorisasyon ng DOH kung saan pinapayagan na ang mga dentista na maging bakunador sa bansa.

Pero sinabi ni Cabotaje na kailangan ng karagdagang training ng mga dentista hinggil sa techniques ng pagtuturok sa braso.

Ayon pa kay Cabotaje, malaking tulong ang mga dentista para mas dumami pa ang mga bakunador sa bansa dahil magsisimula na rin ang mas malawakang pagbabakuna sa mga kabataan edad 12 hanggang 17.

Payo ng opisyal sa mga dentista na layong makatulong sa pagbabakuna – makipag ugnayan sa kanilang mga lokal na pamahalaan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pekeng produkto at iba pa na nasa P500-P600 milyon ang halaga, nasabat sa Cavite

Thu Oct 28 , 2021
NASABAT ng Bureau of Custom (BOC) ang tinatayang nasa P500 milyon hanggang P600 milyon na halaga ng mga pekeng produkto, Chinese food at beverages at medical protective mask sa Tanza, Cavite nitong Oktubre 27. Armado ng Letter of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, ininspeksiyon ng […]
%d bloggers like this: