Peke ang mga nabibiling OEC sa social media — BI

BINALAAN ng Bureau of Immigration (BI) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) laban sa pagbili ng mga dokumento sa mga social media platform o mga messaging apps dahil ang mga ito ay peke.

Ginawa ni BI Commissioner Norman Tansingco ang babala matapos mahuli ang isang Filipina na nagpakita ng pekeng Overseas Employment Certificate (OEC) na binili nito sa WhatsApp at Facebook.

Noong Mayo 24, isang 49-anyos na Filipina ang nasabat ng mga BI officer sa Clark International Airport (CIA) nang tinangka nitong sumakay ng Emirates airlines patungong United Arab Emirates (UAE) at nagpakita ng pekeng OEC.

Sinabi ni BI Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) chief Bienvenido Castillo III na ang nasabing dating OFW ay nagsabing siya ay redeployed sa United Arab Emirates pero sa secondary inspection, inamin din nito na binili niya ang OEC sa WhatsApp at nagbayad ng P7,200 na ipinadala lamang nito sa pamamagitan ng money transfer.

Isa pa ang nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 noong Mayo 23 na paalis naman patungong Kuwait at sakay ng isang Gulf Air flight.

Nabuking lamang ito sa secondary inspection dahil ang mga isinumite nitong dokumento ay pawang peke kung saan nakuha rin nito sa Facebook sa halagang P500.

We have a data-sharing agreement with the DMW (Department of Migrant Workers), allowing us to instantly check in the database if these certificates are legitimate,” ayon kay Tansingco.  “Aspiring OFWs should not buy their permits online as this is a scam.  Always ensure that you go through legal means when departing as workers,” dagdag pa nito.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.