“Tanim Ebidensiya,” pinabulaanan ng PRO 4-A

Share this information:

CAMP VICENTE LIM, CALAMBA CITY, LAGUNA–Pinabulaanan ni Calabarzon Police (PRO 4-A) Regional Director PBrig. Gen. Felipe Natividad ang akusasyon ng mga miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na tinamnan lamang ng ebidensya ang mga aktibistang napatay sa isinagawang raid noong Linggo.

Ito ay bahagi lamang ng pagpapatupad ng Search Warrants for Violations of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) amending provisions of RA 9516 (Illegal Possession of Firearms and Explosives) and PD 1866, sa mga probinsiya ng Cavite, Laguna, Batangas at Rizal, kung saan nakita sa loob mismo ng bahay ng mga aktibista ang mga ebidensiya habang ipinatutupad ang batas, na nauwi sa pagkamatay ng siyam sa kanila habang siyam din ang nakatakas.

Ani Felipe, “This is a legitimate operation, and these individuals were identified according to our intelligence report and were subjected to operational research including their involvements with the rebel groups.”

Sa ngayon ay patuloy ang pagpapatupad ng mga Search Warrants kaugnay sa RA 10591 and RA 9516 sa buong rehiyon ng CALABARZON.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Bakuna ng AstraZeneca, dumating na sa Bataan

Wed Mar 10 , 2021
Matapos mabakunahan nitong Lunes ang mga medical frontliners ng Bataan General Hospital and Medical Center (BGHMC) gamit ang CoronoVac ng Sinovac, dumating na rin sa lalawigan ng Bataan ang 142 vials ng AstraZeneca.  Ayon kay Governor Abet Garcia, ang Bataan ang kauna-unahang lalawigan sa Gitnang Luzon na nakatanggap ng nasabing […]

Follow Us

%d bloggers like this: