Pedicab driver, nasa malubhang kalagayan matapos pagsasaksakin ng kainuman

Share this information:

NASA malubhang kalagayan ang isang pedicab driver matapos itong pagsasaksakin ng kapitbahay makaraan ang mainitang pagtatalo habang nag-iinuman sa Navotas City kamakalawa ng gabi.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong mgga saksak sa katawan ang biktima na kinilalang si John Rey Ibañez, 50 anyos, ng R10 Tulay Ilalim, Pescador, Brgy., Bangkulasi.

Nakapiit naman ngayon habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilalang si Wilfredo Diola, 54 anyos, fish lagum boy at nakatira din sa naturang lugar.

Sa ulat ni PSSgt. Provido Joseph kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, dakong alas-10 ng gabi, nag-iinuman ang biktima at ang suspek sa R10 tulay ilalim nang mauwi ang mga ito sa pagtatalo hinggil sa pagpapalaki sa isang apo ng biktima.

Sa kainitan ng pagtatalo, naglabas ng patalim ang suspek at inundayan ng mga saksak sa katawan ang biktima.

Matapos ang insidente, isinugod ng kanyang live-in partner ang biktima sa naturang pagamutan habang naaresto naman ang suspek ng rumespondeng mga barangay tanod at mga pulis subalit hindi na narekober ang ginamit na patalim.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Lola na tulak, dalawa pa arestado sa Navotas buy bust

Tue Nov 23 , 2021
TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang lola, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City Martes ng madaling araw. Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Nora Aringay, 62 anyos, (pusher/listed), Jaymee Dionisio, 41 anyos, (user/listed, kapwa ng Wawa […]
%d bloggers like this: