Lola na tulak, dalawa pa arestado sa Navotas buy bust

Share this information:

TATLONG hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang lola, ang arestado sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Navotas City Martes ng madaling araw.

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Nora Aringay, 62 anyos, (pusher/listed), Jaymee Dionisio, 41 anyos, (user/listed, kapwa ng Wawa St., Brgy. Tangos South at Joselito Santiago, 41 anyos, ng Caloocan City.

Ayon kay P/Col. Ollaging, dakong ala-1:50 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLt. Luis Rufo Jr. ng buy-bust operation sa Bagong Kalsada Wawa St., Brgy., Tangos South kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon ng P500 halaga ng shabu kay Aringay.

Nang tanggapin ni Aringay ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastis sachet ng shabu ay agad siyang inaresto ng mga operatiba, kasama si Dionisio at Santiago.

Nasamsam sa mga suspek ang tinatayang nasa 2.5 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P17,000, buy bust money at P400 cash.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.