Pedia vaccination, naging maayos sa unang dalawang linggo

IPINAHAYAG ng Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines na naging maayos ang unang dalawang linggo ng pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga batang may comorbidity.

Ayon kay Dr Mary Ann Bunyi, pangulo ng naturang grupo, naging maganda rin ang pagtanggap ng mga magulang sa pagbabakuna sa kanilang mga anak.

Wala naman isang porsyento ang naitalang side effects o adverse events sa mga batang nabakunahan.

Ayon kay Dr. Bunyi, karamihan ng naitala na side effects ay sumakit lamang ang bahagi na naturukan.

Ang iilan na nakaranas ng pananamlay at pagsakit ng ulo ay tumagal lamang ng hanggang dalawang araw.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.