Pagpapaliban sa eleksiyon sa BARMM, naisabatas na

Share this information:

ISA nang ganap na batas ang pagpapaliban sa eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at pagpalawig ng termino ng Bangsamoro Transition Authority o BTA.

Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang ganap na batas ang panukalang batas na niratipikahan naman ng dalawang kapulungan ng Kongreso.

Salig sa orihinal na batas na bumuo sa BARMM, kasabay ng Eleksyon 2022 ang unang halalan na gagawin sa rehiyon.

Gayunman, dahil sa pag-amyenda ng Kongreso, iniurong ito kasabay ng eleksyon sa 2025 at pinalawig na rin ang termino ng BTA na siyang namamahala ngayon sa bagong tatag na rehiyon.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.