Experimental viral pill, wala pang SRP — DOH

Share this information:

NILINAW ng Department of Health (DOH) na wala pang itinatakdang suggested retail price (SRP) para sa experimental anti-viral pill ng pharmaceutical company na Merck dahil sa patuloy pa itong pinag-aaralan at kailangan pang makapasa sa mga panuntunan bago pa mairekomenda ng DOH at mabigyan ng SRP.

Sa virtual news briefing, sinabi ni DOH speokeperson Usec. Maria Rosario Vergeire na kailangan pa ring makakuha ng Emergency Use Authorization (EUA) at maaari lamang magamit ng mga ospital sa pamamagitan ng Compassionate Special Permit (CSP).

Ayon sa Jackpharma Inc., sa kanilang pagtaya, aabutin ng P130-P150 ang halaga ng bawat pill.

Sinabi naman ng MedEthix, ang kumpanyang naatasan na mag importa o magpasok sa bansa ng anti-viral pill na mulnopiravir, na ilalabas sa mga ospital ang pill sa buwan ng Nobyembre sa pamamagitan ng CSP.

Sinabi ni Usec. Vergeire na hindi pa maaari ang tripartite agreement sa pagbili ng mulnopiravir sa ngayon habang ang isang gamot ay nasa CSP level pa lamang.

May kaakibat ding responsibilidad, dagdag ni Vergeire, ang ospital at ang mga doktor na gagamit ng gamot sa ilalim ng CSP level anuman ang maging reaksiyon ng kanilang pasyente sa gamot.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pagkandidato ni Rep. Pichay, Jr., pinapakansela sa Comelec

Fri Oct 29 , 2021
PINAKAKANSELA sa Commission on Elections (Comelec) ang muling pagtakbo ni Surigao Del Sur 1st District Rep. Prospero Pichay, Jr., dahil sa kawalan umano nito ng kuwalipikasyon para humawak ng anumang posisyon sa public office. Sa petisyon ni Construction Worker’s Solidarity (CWS) party-list Representative Romeo Momo, iginiit nito na dapat na […]
%d bloggers like this: