Peace-building projects for the youth, nakatakdang ipatupad sa Mindanao

INIHAYAG ng Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) nitong Martes na may mga peace-building projects for the youth na nagkakahalaga ng €4 milyon o P230.63 milyon ang nakatakdang ipatupad sa Mindanao.

Ito ay matapos lumagda si OPAPRU Secretary Carlito Galvez Jr. at Deutsche Gesellschaft für Internationale Zusammenarbeit GmbH/German Agency for International Cooperation (GIZ) Country Director na si Immanuel Gebhardt, ng kasunduan noong Marso 11 para sa pagpapatupad ng Strengthening Youth for Peace and Non-Violence in Mindanao (YOUCAP) Project.

Target ng kasunduan para sa YOUCAP Project na palakasin ang mga kaparaanan na ginagamit ng mga formal education institutions para sa youth-oriented peace-building; ang gender-sensitive at kultural na mga hakbangin sa lipunang sibil (civil society) para sa pagbuo ng kapayapaan at pagsusulong ng mga pagbabagong hindi kinakailangan gumamit ng karahasan, ang pagtuon sa mga kabataang may mga kahinaan; at pagbibigay kakayahan sa mga institusyon ng estado na mag-isip ng mga estratehiyang magagamit sa pagtataguyod ng kapayapaan na may pagbibigay-konsiderasyon sa mga usaping kaugnay ang kasarian at kultura tungo sa pagbuo ng mga programang nakatuon sa pag-unlad ng mga kabataan.

The YOUCAP Project is highly committed to the young people as change agents to get sustainable, inclusive peace now and in the future,” ayon kay  Gebhardt.

Inulit ni Galvez, na siyang presidential peace adviser, ang pangako ng OPAPRU na paiigtingin nito ang pakikipagtulungan sa GIZ at German government upang makamit ng bansa ang tunay na kapayapaan at kaunlaran, lalo na sa mga marginalized o mahihirap na lugar.

As we continue to strengthen our partnership for peace, the OPAPRU assures the German Government of our agency’s full cooperation and support, as we jointly implement peace-building interventions such as the YOUCAP project,” he said.

Tiwala si Galvez sa maayos na pagpapatupad ng mga programa ng kabataan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.