PCG, tumulong sa paghahatid ng bakuna sa MiMaRoPa

Share this information:

Dineploy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang aerial assets nito upang tulungan ang  Department of Health (DOH) sa paghahatid ng Covid-19 vaccine sa  MiMaRoPa region . 

Tiniyak naman ni PCG pilots Commander Jose Mari Cucharo at Commander Alejo Suare ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ang ligtas at mabilis na pagdadala ng pitong kahon ng Sinovac vaccines sa  Mamburao, Occidental Mindoro; Calapan, Oriental Mindoro; Gasan, Marinduque; at Alcantara, Romblon.

Ang mga frontline medical workers sa nasabing mga probinsya ang unang makakatanggap ng unang batch ng bakuna bilang paghahanda naman ng massive inoculation drive laban sa COVID-19 sa MiMaRoPa region.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PGH, nanawagang ilipat sa ibang ospital ang mga COVID-19 cases

Mon Mar 8 , 2021
Nanawagan ang pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na ilipat sa ibang referral centers ang  ilang pasyente  dahil sa tumataas na kaso ng  COVID-19 sa naturang ospital. Apela ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, baka may bakante naman na sa ibang COVID-19 referral centers ay baka pwedeng ilipat ang […]

Follow Us

%d bloggers like this: