International travel protocol, dapat suriin muli – UP-OCTA Research

Share this information:

Dapat umanong ire-assess ng national government ang international travel protocol sa bansa, ayon sa UP-OCTA Research.

Ayon kay Prof. Guido David sa virtual media forum ng Balitaan sa Tinapayan, napansin aniya nila na dati naman ay walang variant pero ngayon ay pasukan ng pasukan na sa bansa.

Isa aniya ito sa magiging problema ng bansa kaya mahihirapang makabawi kung nagpapasukan ang mga variant lalo na marami pa aniyang variant sa ibang bansa na hindi pa nakakapasok sa Pilipinas tulad ng Brazilian variant.

Paliwanag ni David, hindi naman aniya sinasabing mag-isyu ng international travel ban ang gobyerno dahil naiintindihan aniya nila na may returning overseas Filipinos o ROFs na kailangang bumalik sa bansa, pero baka aniya kailangan na mas istrikto ulit yung protocol na dapat ipatupad ng gobyerno.

Aniya, baka pwedeng mag 14-day mandatory quarantine kahit na negatibo sa resulta ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test  dahil hindi naman aniya ito 100-porsyentong accurate.

“Hindi naman sinasabi  na yan ang gagawin ng national government pero pag-isipan mabuti, pag-aralan ang mga protocols kung saan nagkakaroon siguro ng gaps or leak kung paano nakakapasok itong mga variant sa bansa natin.” ayon kay David.

Samantala, inirerekomenda rin ng UP-OCTA research na higpitan ang local travel restriction at kontrolin ang pampublikong transportasyon.

Patigilin muna ang mga leisure o paglilibang ng ilang linggo at mga opisina ay magbawas muna ng tao at gawin na lamang ang work from home lalo sa pribadong sektor  upang mabawasan ang mga tao na lumalabas at mga private citizens ay iwasan din ang paglabas para di mahawaan ng virus lalo na sa mga naitalang  high-risk areas o mga hot spots.

Agad ding magpatupad ng localized lockdown ang mga local government units kapag may nakitang pagtaas na ng kaso sa kanilang lugar.

Ayon kay David, ito aniya ang nakikitang paraan upang ma-scale back o muling maibalik ang pagbaba ng mga kaso sa bansa.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

PCG, tumulong sa paghahatid ng bakuna sa MiMaRoPa

Mon Mar 8 , 2021
Dineploy ng Philippine Coast Guard (PCG) ang dalawang aerial assets nito upang tulungan ang  Department of Health (DOH) sa paghahatid ng Covid-19 vaccine sa  MiMaRoPa region .  Tiniyak naman ni PCG pilots Commander Jose Mari Cucharo at Commander Alejo Suare ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) ang ligtas at mabilis na pagdadala ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: