PGH, nanawagang ilipat sa ibang ospital ang mga COVID-19 cases

Share this information:

Nanawagan ang pamunuan ng Philippine General Hospital (PGH) na ilipat sa ibang referral centers ang  ilang pasyente  dahil sa tumataas na kaso ng  COVID-19 sa naturang ospital.

Apela ni PGH Spokesperson Dr. Jonas Del Rosario, baka may bakante naman na sa ibang COVID-19 referral centers ay baka pwedeng ilipat ang mga pasyente dahil kawawa aniya ang mga pasyente na non-COVID.

Paliwanag ng tagapagsalita, kapag lumalaki  ang COVID-19 operations, lumiliit naman ‘yung non-COVID operations.

Ginawa ng PGH ang panawagan matapos na may magpositibo sa South African variant na isang pasyente rito.

“Wala pong severely ill, all are mildly symptomatic and some are asymptomatic. We have to recalibrate our measures, maaring may mga areas na naging lax ang mga tao, so lahat ‘yan pinag-aaralan,” ayon pa kay Del Rosario sa isang panayam sa GMA News.

“It’s a red flag and as you know, ‘yung South Africa variant is something na napapabalita na easily transmissible, very contagious, so we want to make sure na ma-contain talaga namin,” dagdag nito.

Bagamat hindi pa naman overwhelmed ngunit nagsisimula nang tumaas ang kaso.

Sa ngayon aniya ay mayroong naka-confine na 105 pasyente sa PGH sa charity ward nito habang 200 ang kapasidad sa pay ward at may limitadong kapasidad ng intensive care unit (ICU).

“Hindi naman kami napanghihinaan ng loob. Siyempre napapagod din, I’m sure ayaw nating ma-overwhelm ulit ‘yung healthcare system kagaya ng nangyari noon na kailangan pa ng time out,” dagdag pa ni Del Rosario.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.