PCG, MMEA, palalakasin ang paglaban sa krimen sa mga karagatan sa pagitan ng Pilipinas at Malaysia

Share this information:

PALALAKASIN ng Philippine Coast Guard (PCG) at Malaysian Maritime Enforcement Agency (MMEA) ang paglaban sa krimen sa dagat na naghahati sa teritoryo ng Pilipinas at Malaysia.

Ito ay matapos magkaroon ng pagpupulong sa pagitan ng dalawang bansa sa pangunguna ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu.

Kabilang sa tinalakay ang mga banta at hamon na kapwa kinakaharap ng dalawang bansa base sa umiiral na mga batas.

Gayundin naman, tinalakay ang posibilidad nang magkasamang pagsasanay sa pag-iimbestiga at pagtugon sa mga insidente sa karagatan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.