DMW, planong rebisahin ang labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait

PLANO ng Department of Migrant Workers (DMW) na rebisahin ang labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kasunod ng pagkamatay ng isa pang overseas Filipino worker (OFW) sa nasabing bansa.

Ayon kay DMW Undersecretary Bernard Olalia mayroon nang legal framework o labor cooperation agreement na titingnan at rerebisahin kung kinakailangan para malaman kung paano pa mapapaigting, at mapapa-lalakas ang proteksiyon at promosyon ng kapakanan ng mga OFW.

Sinabi ni Olalia na magpapadala ng delegasyon ang Pilipinas sa Kuwait upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad doon upang suriin at pagbutihin ang kasunduan.

Sinabi ng opisyal ng DMW na susubukan nilang gayahin ito at ipatupad sa Kuwait.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.