Halfway house para sa street dwellers, planong itayo ng lungsod ng Maynila sa susunod na taon

Share this information:

PINAPAG-ARALAN ng pamahalaang lungsod ng Maynila LGU ang pagtatayo ng halfway house sa lungsod sa susunod na taon.

Sa kanyang pagdalo sa relaunching ng Balitaan sa Tinapayan, sinabi ni Manila City Vice Mayor Yul Servo-Nieto na dalawang halfway house project ang pinaplano nilang itayo sa bahagi ng District 5 sa Maynila.

Ang nasabing proyekto ay magsisilbi aniyang pansamantalang tutuluyan ng mga street dwellers tuwing gabi.

Paliwanag ng bise alkalde, pagsapit naman ng umaga ay isa-isa silang palalabasin.

Sinabi ni Vice Mayor Servo na bukas ang naturang proyekto sa mga street dwellers na makikitang pagala-gala sa mga katabing lungsod.

Hindi lamang libreng matutuluyan kundi magkakaroon din ng libreng pagkain, inumin at mahihigaan ang mga street dwellers kung sila ay magtutungo sa naturang mga halfway project.

Sa kasalukuyan, pinag-aaralan na ng konseho ng lungsod ang mga proseso sa implementasyon ng naturang proyekto.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.