PCG, iniimbestigahan na ang “yellow waste” sa may Manila Bay

Share this information:

Iniimbestigahan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang pagkakaroon ng liquid waste sa bisinidad ng katubigan ng Manila Bay, partikular malapit sa Manila Yacht Club.

Ininspeksyon ng Marine Environmental Protection Group (MEPGRP) – Manila at PCG Sub-Station CCP ang hinihinalang barko na MV Sarangani kung saan natagpuan na ang tripulante lamang na naroon ay ang oiler na si Escolastico Bunyi, na nagsisilbi ring  caretaker.

Sa  ocular inspection, nadiskubre ng PCG na ang pinanggagalingan ng liquid waste ay mula sa cooling system ng MV Sarangani.

Kumolekta naman ng samples ang PCG  upang malaman ang dahilan ng discoloration ng tubig sa paligid ng barko.

Nag-isyu na rin ang MEPGRP at PCG ng Inspection Apprehension Report (IAR) sa MV Sarangani  sa  pamamagitan ng may-ari nito na si Emil Neri sa paglabag sa PCG Memorandum Circular Number 01 – 2005 Paragraph 4 on marine pollution.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.