Umaasa ang Department of Health (DOH) na hindi aabot sa 2 milyon ang kabuuang bilang ng kaso ng COVID-19 sa pagtatapos ng taon o pagpasok ng susunod na taon.
Sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire na layunin ng gobyerno na makontrol ang pagdaragdag ng bilang ng mga kaso kaya aniya pinaiigting ang mga bagay na kanilang ginagawa simula sa local hanggang sa national level.
“We are also enjoining our private partners, development partners and other stakeholders so that it’s going to be a whole of society approach to respond to this,” ayon pa kay Vergeire.
Ayon kay Vergeire, kailangan lamang magtulungan dahil hindi kaya ng gobyerno na mag-isa kaya upang mapigilan at maiwasan ang ganitong pagtaas ng bilang ng mga kaso, anuman aniya ang ating ginagawa ngayon ay dapat doblehin.
“Whatever we are doing right now has to be doubled ..so if we are expending already our beds, our health system, we are trying to improve the different components of the health system, we have to double our efforts in doing that,“ ani Vergeire,
Kailangan din aniyang doblehin ang pagsisikap pagdating sa local government units response.
Mahalaga aniya ang localized response sa ngayon at ang pinaka-importante ay ang strategy na kanilang ipinatutupad, ang prevent, detect, isolate, treat at reintegrate.
Lahat ng ito aniya ay pinaiigting upang masira ang tanikala (chain) ng transmission.

