Breaking News

Share this information:

NAGBAHAGI ng larawan ang Pinoy Big Brother: Otso winner na si Yamyam Gucong na kung saan ay ipinapakita nito ang kanyang pinapagawang bahay sa Bohol para sa kanyang pamilya.

Totoo pala talaga sabi nila ang hirap magpatayo ng bahay sa gitna ng pandemya. Lasap na lasap ko ang pressure at budget,” ayon sa caption nito sa larawan sa kanyang Instagram post na may hashtag #parasapamilya.

Maliban sa bahay ay nakapag-pundar na rin si Yamyam ng sasakyan at negosyo para sa kanyang pamilya.

May bakeshop. May konting negosyo ako, hindi rin ‘yon akin, para sa kanila rin ‘yon, family business.”

Ngayon ay mapapanood si Yamyam sa ongoing online series na “Hoy, Love you” na pinagbibidahan nina Joross Gamboa at Roxanne Guinoo.

(PHOTO CREDIT: Yamyam Gucong Official Facebook page)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: