Breaking News

Share this information:

BAGSAK sa kulungan ang isang helper matapos itong makuhanan ng improvised na baril sa Navotas City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni District Special Operation Unit ng Northern Police District (DSOU-NPD)  chief  PLt. Col. Jay Dimaandal ang naarestong suspek na si John Rey Medina, 23 anyos, ng No. 129 Malaya St. Tondo, Manila.

Sa report ni PLt. Col. Dimaandal kay NPD Director PBGen. Jose Hidalgo Jr., nakatanggap ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen ang DSOU hinggil sa isang lalaki na may bitbit umanong baril habang naglalakad sa kahabaan ng C-3 Road, Navotas City.

Kaagad pinuntahan ng mga operatiba ng DSOU sa pangunguna ni PLt. Melito Pabon ang naturang lugar kung saan naabutan nila ang suspek na may bitbit na baril kaya’t nilapitan nila ito sabay nagpakilalang mga pulis dakong alas-4:30 ng hapon.

Kusang loob naman na isinuko ng suspek sa mga pulis ang dala nitong baril at nang hanapan ng kaukulang dokumento sa naturang armas ay wala itong naipakita, na siyang naging dahilan upang arestuhin ito.

Narekober sa suspek ang isang improvised handgun at dalawang bala ng .9mm na naging dahilan upang sampahan siya ng kasong paglabag sa RA 10591 (Illegal possession of firearms and ammunition) sa piskalya ng Navotas City.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: