Patungong Japan: Okra farmers ipinagbunyi ang eksportasyon ng kanilang produkto

Ipinagbunyi ng nasa 300 magsasaka sa lalawigan ng Tarlac ang pag-export ng Department of Agriculture (DA) sa kanilang produktong Okra patungong Japan sa gitna ng kinakaharap na pandemya sa bansa.

Pinangunahan ni Agriculture (DA) Secretary William Dar ang sendoff ceremony ng unang batch ng Okra export sa Japan.

Kasama ng kalihim ang batang henerasyon ng mga magsasaka ng Jel Farms sa ceremonial send off na ginanap sa Pairpags Center, NAIA Road, Pasay City.

Ang unang Okra Export ay produkto ng mga magbubukid mula sa labing apat na barangay ng Victoria, Balayang, Palacpalac, Batang-Batang, Lalapac, Mayang, San Pascual, Villa Bacolor, Matayumtayum, San Jose, San Miguel, Balingcanaway, Cutcut at Lapaz sa lalawigan ng Tarlac.

Nasa mahigit dalawang toneladang okra ang paunang export mula sa mga magsasaka ng Tarlac kung saan destinasyon ng unang batch ng Okra export ay siyudad ng Tokyo, Osaka, Kobe at Nagoya.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.