Pasok sa SC suspendido muna sa Marso 11-14

Share this information:

INIUTOS ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang suspensyon ng pasok sa mga tanggapan nito dahil sa isasagawang disinfection sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19.

Sa Memorandum Circular 01-2021 na ipinalabas ngayong araw, simula bukas, Marso 11 hanggang 14 ay magkakaroon ng disinfection, cleaning at sanitation ng iba’t-ibang gusali at opisina sa Supreme Court.

Batay pa sa memorandum, ang mga may scheduled na committee meeting ay maaaring maipagpatuloy, depende sa abiso ng chairperson o head nito.

Inaasahan ding agad na tutugon ano mang oras kapag kinontak ang mga head o pinuno ng mga opisina sa SC.

Ang mga naka-duty na personnel ng medical at dental services, security and maintenance division, office of administrative services ay pinapayagan pa ring pumasok.

Samantala, epektibo sa Marso 15 hanggang 19 ay obligado ang lahat ng tanggapan sa SC na magkaroon ng skeletal force na 50-porsyento ng mga staff upang matiyak na nasusunod ang physical distancing na anim na talampakan. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Comelec offices sa Intramuros, sarado muna sa Marso 11-24

Wed Mar 10 , 2021
SARADO muna ang lahat ng opisina sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila simula bukas, Marso 11. Sa ipinalabas na abiso ng Comelec, hanggang Marso 24 mananatiling sarado ang main office gayundin ang mga  tanggapan ng Regional Election Director ng National Capital Region, Region IV-A at […]

Follow Us

%d bloggers like this: