SARADO muna ang lahat ng opisina sa punong tanggapan ng Commission on Elections (Comelec) sa Intramuros, Maynila simula bukas, Marso 11.
Sa ipinalabas na abiso ng Comelec, hanggang Marso 24 mananatiling sarado ang main office gayundin ang mga tanggapan ng Regional Election Director ng National Capital Region, Region IV-A at IV-B.
Ito umano ay bilang pag-iingat na maiwasang kumalat pa ang COVID-19 sa gitna ng mga dokumentadong ulat ng hawaan ng virus infection sa ilang kawani nito.
Sa kabila nito, tiniyak ni Comelec spokesperson James Jimenez na hindi masisira ang trabaho ng Comelec at patuloy din ang mga paghahanda para sa plebesito sa Palawan at sa 2022 national at local elections.
Pupuwede naman aniya na makipag-ugnayan pa rin sa Comelec offices sa regular na working hours sa pamamagitan ng email address at iba pang online communication platforms.