5 katao arestado sa niraid na drug den sa Bataan

Share this information:

NAARESTO ang lima katao sa isinagawang joint buy bust operation ng PNP at PDEA sa Brgy. San Pedro, Hermosa, Bataan nitong Mierkoles ng hapon.

Base sa ulat mula kay Police Major Jeffrey Onde, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib pwersa ng Hermosa at Orani MPS at PDEA-Bataan na nagresulta sa pagkalansag ng diumano’y drug den at pagkakadakip nila: Robert Ventura y Carlos, 34 y/o, Single, Brgy. Tapulao, Orani, Bataan(Listed); Dennis Guigante y Tumagos, 39, Married, Brgy. Sto. Cristo, Hermosa, Bataan; Rowel Carlos y Ramos, 30, Single, Brgy. Sta. Isabel, Dinalupihan,Bataan; Renzel Ventura y Corales, 19, Brgy. Taplao, Orani, Bataan; Jesus De Leon y Pabalate, 56, Married, Brgy. San Pedro, Hermosa, Bataan habang at large naman si Orlan Mojica.

Nasabat ang 12 gramo ng shabu na may estimated street value na Php 81,600.00 at assorted paraphernalia.

Kakasuhan ang 5 suspek sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Pasok sa SC suspendido muna sa Marso 11-14

Wed Mar 10 , 2021
INIUTOS ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta ang suspensyon ng pasok sa mga tanggapan nito dahil sa isasagawang disinfection sa gitna ng tumataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19. Sa Memorandum Circular 01-2021 na ipinalabas ngayong araw, simula bukas, Marso 11 hanggang 14 ay magkakaroon ng disinfection, cleaning […]

Follow Us

%d bloggers like this: