Breaking News

Share this information:

PATONG-PATONG na mga kaso ang kinakaharap ng isang motorista na tatlong beses nang tinangkang sagasaan ang isang traffic enforcer upang hindi matiketan matapos na sumuway sa batas trapiko sa Bacoor City, Cavite Miyerkules ng hapon.

Kasong paglabag sa  RA 4136 (Disregarding traffic sign and obstruction) at tatlong counts na Frustrated Homicide ang kinakaharap ng suspek na si Philip Joseph Burayag, driver ng isang kulay orange na Toyota Vios, na may plakang DAH 7243 dahil sa reklamo ni Ronaldo Ramos, isang traffic enforcer ng Bacoor Traffic Management Bureau (BTMB).

Sa ulat nii Pat. Marco Romero Cupo ng Bacoor City Police Station, nagmamando ng trapiko si Ramos sa kahabaan ng Talaba Intersection sa Brgy. Talaba 2, Bacoor City, Cavite dakong alas-5:40 kamakalawa ng hapon nang parahin nito ang minamanehong sasakyan ni Burayag dahil sa hindi pagsunod sa traffic sign at obstruction ng traffic flow.

Pero sa halip na tumigil ay tinangka nitong sagasaan si Ramos at pinaharurot papalayo ang kanyang sasakyan, dahilan upang habulin ni Ramos hanggang sa umabot sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Brgy. Niog.

Nang naabutan ni Ramos ang suspek sa harapan ng isang kilalang food chain, bumaba ang una upang pigilan si Burayag subalit tinangka nitong muling sagasaan si Ramos at muling tumakas kaya tumawag na ng back up ang traffic enforcer hanggang sa maipit ang suspek sa traffic.

Pero nag-counter flow naman ito at sa pangatlong pagkakataon ay muling tinangkang sagasaan si Ramos hanggang sa dumating ang mga back-up na traffic enforcer na nagresulta sa kanyang pagkakaaresto. 

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: