Breaking News

Share this information:

UMABOT sa 68 kaso ng typhoid fever ang naitala sa CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) region mula Enero 1, 2021  hanggang  Mayo 29, 2021.

Ang probinsiya ng Laguna ang nagtala ng may pinakamataas na bilang kung saan umabot ito sa 30 kaso, sumunod ang Cavite (26); Rizal na may anim at Batangas na mayroon namang isang kaso.

Ayon kay Department of Health-CALABARZON Regional Medical Technologist, Kimberly Cu, ang typhoid fever ay laganap sa mga lugar kung saan may kakulangan sa kalinisan at maruming  pinangkukunan ng maiinom na tubig.

“If you are unsure of the quality of the water, especially those taken from deep wells which are untreated, it is best to boil it for at least 2 minutes to kill bacteria.” Ayon kay Cu.

Nagbabala rin si Cu sa pagkain ng mga street food kung saan nadadapuan ang mga ito ng mga insekto at pinakainam ang palaging naghuhugas ng kamay bago at matapos kumain.

Ang Typhoid ay isang infectious disease na sanhi ng bacteria Salmonella typhi at nakukuha ito sa pamagitan ng pagkain o pag-inom ng tubig na kontaminado ng bacteria.

Ang isang tao na may typhoid fever  ay nakakaramdam ng mataas na lagnat, pananakit ng ulo, paghihina , walang gana sa pagkain, diarrhea, constipation at kung nakakaranas ito ay kinakailangang dalhin agad sa ospital.

The only effective treatment for the illness is antibiotics such as ciprofloxacin (for non-pregnant adults) and ceftriaxone for pregnant patients. Give them plenty of water to rehydrate,” ayon pa kay Cu.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: