Breaking News

Share this information:

MAKALIPAS ang limang taon, opisyal na inanunsiyo ni Chito Miranda sa kanyang Instagram post kasama ang larawan ng kanyang bisikleta na maglalabas ang Parokya ni Edgar ng bagong album.

Biking mag-isa pa-ikot-ikot sa village, tamang muni-muni lang habang sinasoundtrip ‘yung bago naming album,” ayon sa caption nito sa larawan. 

Mahahalata namang excited si Chito sa bagong album na ilalabas nila sa Nobyembre. Ayon kay Chito, noong una ay hindi nila binibigyang-pansin ang pagtapos ng mga awiting ilalagay sa album. Bahala na kung matatapos o hindi.

Sa kabilang banda sabi ni Chito ay sobrang saya niya sa mga bagong awitin na nagawa niya at ng kanyang mga ka-banda.

Maraming namang fans ang natuwa at excited sa bagong mga awitin na mapapakinggan nila.

Nitong taong 2020, nagawang makapasok ng Parokya ni Edgar sa top OPM artists on Spotify 2020.

(PHOTO CREDIT: gmanetwork.com)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: