Breaking News

Share this information:

SUGATAN ang isang pulis na kabilang sa escort ng dalawang Persons Under Police Custody (PUPC) na pumuga habang nasa police mobile patrol sa Quezon City nitong araw ng Linggo, September 26, 2021.

Patuloy na inoobserbahan sa ospital si Police Cpl. Arjay Caybayab na nagtamo ng malalim na saksak sa kamay at braso bunsod ng pagkakasaksak sa kanya ng isa sa mga tumakas na preso.

Batay sa nakalap na report ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (QCPD-CIDU), bandang alas-12:45 ng hapon ng maganap ang insidente sa may Doña Carmen Subdivision, Barangay Commonwealth.

Una rito, sakay sa police mobile patrol ang mga suspek na sina Ferio Merabel at Sherwin Golondrina na may kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act o RA 9165 para ilipat sana sa detention facility ng Police Station 5 (Fairview) mula sa Bagong Silangan Police Station 13.

Nagsilbing driver ng patrol car si Patrolman Lorenzo Macarilay at close-in sa mga preso si Caybayab.

Habang binabaybay ang nasabing lugar ay lingid sa kaalaman ng mga pulis ay sikretong natanggal ni Merabel at ni Golondrina ang posas sa kanilang kanang kamay.

Nang makakuha ng tiyempo ay agad tinutukan ng tinidor ni Golondrina ang leeg ni Cpl. Caybayab at sinabing “pasensya na sir, pero papatayin kita!”.

Pero nang akmang sasaksakin na sa leeg ay mabilis na nasalag ito ni Caybayab hanggang magpambuno ang dalawa sa loob ng patrol car.

Mabilis na inihinto ni Patrolman Macarilay ang sasakyan ng masilayan nito ang nagaganap na komosyon kung saan ay doon agad na tumalon ang dalawang preso at tumakas patungo sa bahagi ng Kapalaran at Doña Nicasia Street.

Isang malawakang manhunt operation ang ikinasa ng mga awtoridad sa pumugang mga preso.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: