PUMANAW na ang Paralympic athlete na Josephine Medina sa edad na 51 kahapon, ika 2 ng Setyembre 2021.
Ayon kay coach Louie Eballa, nitong nakaraang linggo ay pinahirapan si Josephine ng parehong sintomas ng COVID-19, batay sa salaysay ng pamangkin ni Josephine.
Ngunit hindi pa natutukoy ang sanhi ng pagkawala ni Josephine dahil hinihintay pa ang resulta ng kanyang RT-PCR test.
Malungkot na ipinahayag ni Ebella sa kanyang panayam “It is really a sad day for all the para athletes and table tennis players that she represents. The whole para table tennis team are still shocked and saddened because she is the idol of our members.”
Dagdag nito, “I will always remember her as one of the most hard working athletes that I have known and of course the legacy that she left with all the achievements, it’s hard to equal that.”
Si Josephine ay may malaking naging kontribusyon sa pagiging atleta ng Pilipinas. Siya ay nakakuha ng gintong medalya noong 2008 at 2017 sa ASEAN Para Games, at nakakuha rin siya ng silver noong 2010 at 2018 sa Asian Para Games. Muli siyang nakakuha ng bronze noong 2014 sa Asian Para Games at bronze naman noong 2016 Rio Paralympics.
(PHOTO CREDIT: Philippine Sports Commission)

