Kauna-unahang “Siblings Concert” ng BINI at BGYO, sa ika 6 at 7 na ng Nobyembre

INAABANGAN na ng mga die-hard sa Ppop music ang dalawa sa mga pinaka-kinikilalang talento sa Ppop, ang BINI at BGYO, at ang kanilang concert na pinamagatang “One Dream” na gaganapin ng Ika 6 at 7 ng Nobyembre 2021.

Tinaguriang “fast rising-stars” ang dalawang Ppop group na BINI at
BGYO, na naging successful sa kanilang mga inilabas na awitin matapos ang
kanilang official launches.

Ang kantang “Born to Win” ng BINI ay na-feature sa MTV Asia noong
nakaraang buwan at umabot ng 1 milyon ang views nito. Samantala, ang
BGYO ay nakakuha ang “number one spot” sa Billboard Global next Big
Sound Chart, kasabay nito ang pag abot sa 1 milyong views ng single
nilang “The Baddest” sa YouTube.

Bago ang kanilang concert ay ilalabas ang kanilang debut album  na
naglalaman ng orihinal nilang mga awitin. Maipagmamalaki naman ng ibang
miyembro ang kanilang sariling komposisyon sa album na ito.

Maraming dapat abangan sa dalawang araw ng concert, mayroong
collaborations na magaganap, mga guests artists, at iba pang
magpapasaya sa mga fans na siguradong magiging sulit at  hindi nila
ito makakalimutan.

Ang tickets para sa concert ay nagsimula nang maging available noong
Agosto 31 sa KTX.PH. Maaaring mapanood ang concert sa KTX.PH, iWantTFC, at TFC IPTV.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.