Parallel probe sa yate na nahulihan ng shabu sa Batangas, isinagawa ng BOC, PNP, at PDEA

ISANG parallel investigation ang isinagawa ng Bureau of Customs (BOC) kasama ang Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), na nagresulta sa pagkakahuli sa isang pribadong yate na ginamit sa pagbiyahe ng 1.4 tonelada ng shabu sa Nasugbu, Batangas.

Tinatayang nagkakahalaga ng P9.68 bilyon, ang mga ipinagbabawal na droga ay naharang sa isang police checkpoint sa Alitagtag, Batangas noon pang Abril 15, 2024. 

Sa sumunod na imbestigasyon ng BOC, natuklasan ang tatlong karagdagang undocumented private yacht, at lahat ay pag-aari ng parehong indibidwal.

Sa tulong ng Port of Manila (POM) Customs Investigation and Intelligence Service (CIIS) Field Station, ang BOC implementing team, kabilang ang mga kinatawan ng POM Enforcement and Security Service at ang POM Water Patrol Division, ay nagsagawa ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) noong Hunyo 27, 2024. Ang WSD ay inisyu ni POM District Collector Rizalino Jose Torralba laban sa mga sasakyang-dagat para sa paglabag sa Section 1113 ng Republic Act 10863, na kilala rin bilang “Customs Modernization and Tariff Act.”

Kasalukuyang nakadaong sa Nasugbu, Batangas ang mga yate at nakatakdang i-turnover sa POM Auction and Cargo Disposal Division alinsunod sa Customs Administrative Order No. 10-2020 “Seizure and Forfeiture Proceedings and Appeals Process.”

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.