Breaking News

Share this information:

SINABI ni dating Department of Health (DOH) Secretary at ngayon ay Iloilo Representative na si Janette Garin na dapat manggaling sa loob ng DOH ang papalit sa kasalukuyang DOH Secretary Francisco Duque III sa oras na magbitiw ito sa puwesto.

Sa ginanap na Kapihan sa Manila Bay forum, binanggit ni Garin na bagaman ang  Pangulo ang masusunod sa pagpili ng kapalit ni Duque, mungkahi nito ay dapat sa loob din DOH manggagaling ang magiging kapalit nito dahil marami naman ang magagaling at may kakayahan na pamunuan ang ahensya ngayong nasa gitna ito ng laban kontra COVID-19.

Ilan lamang sa nakikitang maaaring pumalit kay Duque ay sina DOH Usec. Maria Rosario Vergeire at Usec. Leopoldo Vega.

Naniniwala rin ang dating kalihim ng DOH na ngayong kasagsagan ng pandemya ay mahirap palitan si Duque ng galing sa labas o hindi nanggaling sa loob ng ahensya.

Nauna nang nagpahayag si Duque na magbibitiw ito sa puwesto sa sandaling maayos na ang kinasasangkutang isyu kaugnay sa pagbili ng overpriced PPEs.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: