Breaking News

Share this information:

SUMADSAD ang isang barko sa mababang bahagi ng karagatan sa may Danawan Island, Surigao City, Surigao del Norte.

Sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong Miyerkules, humigit-kumulang 75 porsiyento ng haba ng LCT Golden Star 9 ang sumadsad, na kung saan nabutas ay nabutas sa port quarter area ng engine room, na siyang dahilan para pasukin ito ng tubig.

Ang insidente ay nagresulta rin ng pagkapinsala ng mga bahura o coral reefs.

Sa pagsisiyasat ng PCG, umalis ang barko sakay ang 12 crew mula sa Dinagat Island patungong Cabadbarab, Agusan Del Norte noong September 10.

Wala naman itong sakay na kargamento ngunit habang naglalayag sa baybayin ng Danawan Island, hindi nito inasahang makakasalubong ng malalakas na hangin.

Ang LCT Golden Star 9 ay isang cargo vessel at pag-aari at inooperate ng Manfel Cargo Shipping Corp. na nakabase sa Taguig.

Pinayuhan naman ang master ng barko na si Captain Alchie Biñan na maghain ng marine protest kaugnay sa insidente.

Inatasan din ang may-ari ng barko na alisin ang LCT Golden Star 9 sa karagatan  dahil ito ay itinuturing na isang panganib sa pag-navigate at upang maiwasan ang karagdagang pinsala.

Bukod dito, nakipag-ugnayan na rin ang PCG Station Surigao del Norte sa  Maritime Industry Authority (MARINA) Regional Office XIII sa pagsasagawa ng  underwater hull inspection upang matukoy kung gaano ang pinsala sa naturang barko bago ito ipahayag na ligtas nang makapaglayag.

Ipinaalam na din ng PCG sa lokal na pamahalaan ang tungkol sa insidente upang makahingi ng karagdagang tulong.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: