PAMUMUNUAN ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown ang kauna-unahang Pope’s Day Mass sa bansa na gaganapin sa Martes, June 29.
Idadaos ang misa alas 6 ng hapon sa Minor Basilica of the Immaculate Conception o Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila.
“The Holy Mass will be celebrated in the presence of our newly installed Archbishop His Eminence Cardinal Jose F. Advincula,” ayon sa Dacebook post ng Manila Cathedral noong Hunyo 27.
Maalala na itinalaga rin ng Santo Papa si Brown noong Setyembre 2020 bilang Apostolic Nuncio to the Philippines, kapalit ni Archbishop Gabriele Caccia.
Dumating naman ang Papal Nuncio sa Pilipinas noong Nobyembre.
Si Archbishop Caccia ang kasalukuyang namumuno ngayon sa Holy See’s Permanent Observer Mission sa United Nations sa New York, USA.
Sinabi ng Archdiocese of Manila na ipinagdiriwang ng Simbahan ang Araw ng Santo Papa bilang parangal sa maraming naiambag sg Kataas-taasang Pinuno ng Simbahang Katolika sa pagpapayaman ng pananampalatayang Katoliko.