Paolo Contis, nagsalita na tungkol sa hiwalayan nila ni LJ Reyes

MATAPOS maging tahimik sa kabila ng nagbabagang isyu ng hiwalayan
nila ng asawang aktres na si LJ Reyes ay nagsalita na rin si Paolo Contis.

Sa kaniyang pahayag sa post nito sa Instagram, ipinaliwanag niya ang kanyang panig patungkol sa mga ibinabato na alegasyon ng mga netizens.

After lumabas ang interview ni LJ, katakot takot na pang aalipusta at
pambabatikos ang natanggap ko. I can’t say I don’t deserve it kaya tinatanggap ko lang ito. I understand all your frustrations. Gusto ko sana manahimik kaya lang marami nang mga nadadamay na hindi dapat kaya mas mabuti sigurong sagutin ko ang ilan sa mga ito
.”

Sa post ni Contis may limang issues itong nais na bigyang linaw: una ay ang pag gamit nito ng drugs at pananakit sa kaniyang asawa at anak, na binigyang diin niyang hindi totoo. Pangalawa ay ang pagkakaroon ng “third party” na siyang inamin ng aktor at inihingi ng tawad, at ang issue na nagsasabing si Yen Santos ang dahilan at ang tungkol sa kaniyang manager na si Lolit Solis.

Merong nagsasabi na meron siyang reliable source that I take drugs and as a result, sinasaktan ko si LJ at ang mga bata. This is NOT true. Minahal at inalagaan ko sila. I never laid a finger on them,” pagtanggi nito sa kaniyang post.

Aaminin ko, naging marupok at gago ako sa ilang taon naming pagsasama. I’m not proud of it. For that, I’m sincerely sorry. I’m truly ashamed of my actions.”

Umamin ito sa pag sangkot ng “Third Party” sa kanilang pagkakahiwalay ni LJ, ngunit nilinis din naman ng aktor ang pangalan ng aktres na si Yen Santos, na sinabi niyang hindi raw siya ang dahilan sa kanilang hiwalayan.

Dagdag pa nito, naapektuhan ang kanilang pag promote ng kanilang teleserye.

Kung matagal na kaming hindi okay ni LJ, it was mainly because of me. Masyado niyo siyang diniin sa issue na to. Pati pag promote namin ng movie nabahiran na ng kung anu ano,”

Nilinaw din nito ang dahilan sa likod ng nagviral na litrato nito na kasama si Santos sa Baguio. Inimbitahan daw nito ang katrabaho niyang aktres upang ito ay may makasama at kausap.

When LJ left for the States with the kids, I went to Baguio for 3 days dahil ayaw ko sa Manila at gusto kong makapag isip-isip. Naging insensitive ako about the possible effects nung issue and I invited Yen for a day para may makausap since malapit lang siya sa North din,”

Nanghingi ito ng paumanhin at sinabing hindi niya akalain na madadawit ang pangalan ng kaniyang leading lady na si Yen.

Ipinagtanggol din ni Contis ang manager nito sa pangbabatikos ng mga netizens, dahil sa mga nasabing dahilan ng kanilang hiwalayan ng kaniyang asawa.

Please stop bashing her. Nanay ko si Lolit. Natural lang na ipagtanggol niya ako kahit mali ako. May nanay din kayo di ba? Hindi niyo alam ang mga pagalit at pangaral niya sa akin pag kami lang ang naguusap. Sinabihan ko na siya to stop protecting me. Ang sinabi lang niya ay “hindi, anak kita! Hayaan mo ako!” For that, I’m sorry Nay. And thank you! Sa inyo pareho ni Nay Cristy,”

Ibinahagi rin ng aktor ang napagusapan nila ng kaniyang asawang si Reyes. Nais pa raw nitong maalagaan si Summer na anak nila ng kaniyang misis bagamat nirerespeto rin nito ang desisyon ng asawa na mag ibang bansa kasama ang mga anak.

Sa huling bahagi ng post ng aktor, humingi ito ng respeto sa kanilang privacy
at hiniling niyang tumigil na ang lahat sa pambabatikos.

(PHOTO CREDIT: pep.ph)

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.