Breaking News

Share this information:

LUSOT na sa House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na layong amyendahan ang pagtataas ng buwis ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa mga pribadong paaralan sa bansa.

Nauna nang pinalagan ang hakbang ng BIR na itaas sa 25% ang income tax rate sa mga pribadong eskwelahan mula sa kasalukuyang 10%, na nasa ilalim ng Revenue Regulation 5-2021.

Sa pagdinig ng komite ni Albay Representative Joey Salceda, inaprubahan nito ang “draft substitute bill” na layong ibasura ang kautusan ng BIR at amyendahan ang Section 27 (b) ng National Internal Revenue Code.

Pinalilinaw din ang sinasabing “erroneous” o maling taxation sa mga pribadong paaralan, sa ilalim ng Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises o CREATE law — ang batas na ang layon ay tulungan ang mga industriyang apektado ng COVID-19 pandemic kasama na ang mga private education institution.

Tiniyak naman ni Salceda na magiging prayoridad sa pagbabalik-sesyon ng Kamara sa Hulyo o pagbubukas ng 3rd regular session ng 18th Congress ang naturang panukalang batas upang makahabol bago ang school year 2021-2022.

Ayon sa mambabatas, ang panukala ay suportado mismo ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: