Breaking News

Share this information:

NAKATAKDANG gumamit na rin ng mobile application ang Commission on Elections (Comelec) upang mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro ng mga gustong bumoto.

Sa pamamagitan iyan ng ilulunsad bukas na Mobile Registration Form App na pupuwedeng magamit sa ano mang smartphone kahit hindi naka-online.

Ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, napapanahon ang paggamit na ng mobile app upang makatipid sa oras, pagod at pera lalo na ngayong may pandemya.

Dahil mayruon nang mobile app, hindi na kakailanganing pumunta ng computer shop para magdownload at magprint ng form o magtungo sa lokal na tanggapan ng Comelec upang magfill-out ng detalye ng rehistro.

Sa halip ay sa mada-download na form sa mobile app na mismo ilalagay ang lahat ng detalye na kailangan at pagkatapos ay magge-generate ito ng QR Code na kailangang i-save bago magtungo sa Comelec upang mapa-scan at magpakuha ng biometrics.

Para sa karagdagang impormasyon patungkol sa mobile app ay maaaring makipag-ugnayan sa Voter Care Center hotline na 0927-559-5926 o sa social media accounts ng Comelec.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: