Breaking News

Share this information:

AABOT sa P7.5 milyong piso ang kabuuang pondo na inilaan ng lokal na pamahalaan ng Maynila para sa insurance coverage ng mga opisyal ng barangay sa lungsod.

Masasakop sa insurance ang may 45,700 barangay officials sa Maynila kabilang ang mga Punong Barangay, mga miyembro ng Sangguniang Barangay, pinuno ng Sangguniang Kabataan, Barangay Secretary, Barangay Treasurer, mga miyembro ng Lupong Tagapamayapa at mga miyembro ng Barangay Tanod Brigade.

Para sa Manila LGU, ang mga opisyal ng barangay ay maituturing na frontliners lalo na ngayong nasa gitna ng pandemya.

Sa ilalim ng panukalang inilatag ng GSIS, ang bawat barangay official ay mayruong accidental death compensation na nagkakahalagang P150,000, medical reimbursement na P15,000, at burial assistance na P10,000.

Ang probisyon para sa insurance ng mga opisyal ng barangay ay alinsunod sa Resolution No. 1, series of 2021 ng Manila Peace and Order Council (MPOC) kaugnay ng pagpapatupad ng 2020 to 2022 Manila Peace and Order and Public Safety (POPS) Plan.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: