Pang-6 na suspek sa pagpatay sa estudyante sa Valenzuela, timbog

Share this information:

Naaresto na rin ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang pang-anim na suspek sa pagpatay sa isang 17-anyos na grade 9 student sa naturang lungsod noong pang 2019.

Kinilala ang suspek na si Darryl Dela Serna, alyas “Teroy,” 25 anyos, na naaresto ng mga operatiba ng Valenzuela City Warrant and Subpoena Section sa pangunguna ni PLt. Doddie Aguirre sa Barangay Casinglot, Tagoloan, Misamis Oriental.

Si Dela Serna ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Valenzuela City Regional Trial Court, Branch 75 noong September 9, 2019 para sa kasong Murder na walang inirekomendang piyansa.

Ayon kay PLt. Aguirre, nauna nang naaresto ang limang mga suspek na kinilalang sina Benjamin Diaz, 18 anyos; Adrian Ulile, 18 anyos; John Rey Olile, 18 anyos; at dalawang menor-de-edad na 14 at 16-anyos.

Sabi pa ni Aguirre, kabilang ang anim sa mga suspek sa pagpatay sa biktimang si Gio Lawrence Balajadia, 17 anyos, matapos pagsasaksakin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan sa Barangay Veinte Reales noong June 19, 2019 kung saan nag-viral pa ito sa social media.

Patuloy pa ring pinaghahanap ng pulisya ang natitira pang hindi nahuhuling suspek.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mister, itinumba ng riding-in-tandem

Mon Feb 1 , 2021
Patay ang isang mister matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng isang motorsilo habang nakikipag-inuman ang biktima sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang nasawing biktima na si Luisito Villarruz, 45 anyos, driver, ng Block 42 Lot 5 Palmera Spring II,, Celerina […]

Follow Us

%d bloggers like this: