Mister, itinumba ng riding-in-tandem

Share this information:

Patay ang isang mister matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na sakay ng isang motorsilo habang nakikipag-inuman ang biktima sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawing biktima na si Luisito Villarruz, 45 anyos, driver, ng Block 42 Lot 5 Palmera Spring II,, Celerina St., Brgy. 173, Congress, ng nasabing lungsod.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dakong 9:30 ng gabi, kainuman ng biktima ang saksing hindi nabanggit ang pangalan sa labas ng kanyang bahay sa Celerina St. nang dumating ang mga suspek na sakay ng isang kulay itim na motorsiklo.

Bumaba ang back rider saka naglabas ng hindi pa mabatid na uri ng baril at walang sabi-sabing pinagbabaril sa katawan ang biktima na nagresulta ng agad niyang kamatayan.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon habang humingi naman ng tulong ang saksi sa mga awtoridad.

Patuloy naman ang follow-up imbestigasyon ng pulisya sa posibleng pagkakilanlan at pagkakaaresto sa mga suspek habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Construction of P721-M Taytay Sports Complex resumes

Mon Feb 1 , 2021
MAIN PHOTO: Taytay Mayor Joric Gacula (in green vest) with other town officials in an ocular at the worksite TAYTAY, Rizal – After being sidelined at the onset of the global pandemic, the construction of the P721-million world-class sports complex in this locality resumes and is expected to be completed […]

Follow Us

%d bloggers like this: