Breaking News

Share this information:

INIIMBESTIGAHAN na ng Department of Health (DOH) ang kumalat na video kung saan mapapanuod ang palpak na pagbabakuna sa isang recipient ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ng DOH na nakarating na sa kanila ang viral video at batay sa napanuod nila ay lumabag ito sa vaccination protocol.

Sa naturang video, babakunahan ang isang recipient ng COVID-19 vaccine ng isang healthcare worker.

Naiturok naman ang karayom o herenggilya sa braso ng recipient pero hindi maitulak ang laman nito o mismong dose ng bakuna.

Ayon sa DOH, mabilis namang kumilos ang vaccination site hinggil sa pagkakamali at sa huli ay nabakunahan naman ang recepient matapos na ipakita ang video sa vaccination team.

Pero sinabi ng kagawaran na nagsasagawa pa rin sila ng pagsisiyasat ukol sa breach sa vaccination protocol nang may koordinasyon sa kaukulang lokal na pamahalaan.

Pinaalalahanan naman ng DOH ang lahat ng vaccinators na maging mas maingat at tumutok sa kanilang pagbabakuna.

Tinitiyak din ng DOH sa publiko na ang insidente ay hindi nila minamaliit at gumagawa rin ang ahensya ng mga paraan para maisaayos ang national vaccination program lalo na ang vaccination protocols upang hindi na maulit pa ang insidente.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: