Mga pulis na ‘sumasawsaw’ sa pulitiko, sisibakin sa serbisyo

Share this information:

IBINABALA ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Guillermo Eleazar na agad sisibakin sa serbisyo ang lahat ng mga pulis na mapapatunayang naka-‘sandal’ sa mga pulitiko lalo na ngayong nalalalapit na ang panahon ng eleksyon.

Ito ang ibinabang direktiba ni Eleazar at bilang isang paalala narin na ang mga pulis ay manatiling walang kinikilingan o piliing masibak sa serbisyo.

“Policemen have no business in politics unless they resign and run for public office or openly support a candidate. We have already mechanisms to isolate the PNP from politics and we will make sure that all of these are in place and are properly observed,” pahayag ni Eleazar.

“Pinaalalahanan ko lang ang ating mga kapulisan na hanggang 56 years old ang career ninyo sa PNP, mas mahaba ang tour of duty ninyo as policemen kumpara sa mga pulitiko. Kaya huwag ninyong sayangin sa maikling panahon ng kampanyahan at halalan ang mga taon na dapat ay kayo ay nasa serbisyo dahil kung mapatunayan na nakikialam kayo sa pulitika, ang laki ng mawawala sa inyo at kasama diyan ang mga benepisyo gaya ng pension kapag kayo ay nagretiro,” babala pa ni Eleazar.

Kamakailan, tinanggal sa serbisyo ng National Police Commission (Napolcom) ang anim na pulis ng Negros Oriental matapos mapatunayang guilty sa kasong grave misconduct at grave irregularities in the performance of their duty nang isailalim nila sa illegal search at seizure si dating Moises Padilla Vice Mayor Ella Garcia – Yulo noong 2017.

Matapos ang imbestigasyon, nabatid ng Napolcom na ang anim na pulis ay sangkot sa political harassment kay Yulo na noon ay nagpaplanong tumakbo sa pagiging mayor noong 2019 laban sa kasalukuyang Mayor na si Magdaleno Peña.

“The incident that happened in Negros Occidental wherein six PNP personnel were dismissed from the service for dipping their fingers into local politics should serve as a warning to all other personnel about the risk they are staking for involving themselves in politics,” ani pa ng Chief PNP.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.