Palengke, talipapa, atbp., ipapasara sa Navotas

Share this information:

Dahil sa pagsirit ng mga kaso ng COVID-19 sa lungsod, ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Navotas na isara ang mga public market, grocery stores, at talipapa dahil sa pagdami ng mga nahawahan ng COVID-19 sa lungsod.

Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang Executive Order No. TMT-016 na nagsasaad na tuwing Lunes ay kailangan magsara ang mga public market, grocery, at talipapa para sa general cleaning at disinfection.

Aniya, ang mga lugar at establisimiyentong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang mapanatili itong malinis.

“Tungkulin po natin na gawin ang lahat ng makakaya para maiwasan ang paglala ng hawahan. Kailangan magmalasakit po tayo sa isa’t isa. Kahit malakas po tayo at hindi natin iindahin kung magkaroon man tayo ng COVID-19, paano naman po ang iba na mahihina ang katawan at maaaring mamatay dahil sa sakit na ito?” paliwanag ni Mayor Tiangco.

Sabi pa ng alkalde, February 6 nang magtala ng 33 active cases ang lungsod, pinakamababa ngayong 2021 ngunit pagkatapos nito, dire-diretso na ang pagdami ng mga nahawahan.

Ayon sa ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit, tumaas ng 349 percent ang mga kaso sa lungsod kung saan noong Biyernes, Pebrero 26, ay naitala ang 99 na mga nagpositibo, ang pinakamataas na bilang ng mga nadagdag na kaso ngayong taon.

Base sa datos noon Pebrero 27, nasa 6,057 na ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 301 dito ang active cases, 5,563 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Dalawa, timbog sa buy bust sa Malabon

Mon Mar 1 , 2021
Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang buy and sell na negosyante, ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Ronald Galan, 49 anyos, isang buy-and-sell […]

Follow Us

%d bloggers like this: