Dalawa, timbog sa buy bust sa Malabon

Share this information:

Dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang buy and sell na negosyante, ang nasakote sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Malabon City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Ronald Galan, 49 anyos, isang buy-and-sell na negosyante ng 155 Gonzales St., Brgy. 70, Caloocan City, at John Ric Jimenez, 21 anyos, ng Ligaya St., Brgy. Tugatog.

Sa ulat, dakong alas 2:15 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. John David Chua sa Bonifacio St. corner Ligaya St. Brgy. Tugatog.

Nagawang makapagtransaksyon ng isang pulis na nagpanggap na buyer sa mga suspek ng P500 halaga ng shabu at nang tanggapin ng mga ito ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang sachet ng shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

Nakumpiska sa mga suspek ang 11 plastic sachets na naglalaman ng nasa 13 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P88,400, buy bust money at isang motorsiklo.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

Next Post

Mister, nagbaril sa sarili

Mon Mar 1 , 2021
Patay ang isang 50-anyos na mister matapos umanong magbaril ito sa sarili makaraan ang komprontasyon sa pagitan niya at ng kanyang anak na lalaki sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktima na si Mitchel Gatica, residente ng No. 17 E Dionisio St. Brgy. Maysilo. Lumabas sa imbestigasyon ng […]

Follow Us

%d bloggers like this: